Boy Abunda binweltahan si Manny Pacquiao!

Mainit at nanggagalaiti ang marami - lalo na ang mga myembro ng LGBT - sa mga binitawang pahayag ni Manny Pacquiao patungkol sa pananaw niya sa Same Sex Marriage, sa interview sa kanya ng isang TV network. Sabi ng boksingero turned pulitiko:

"Common sense lang, makakita ka ba ng any animals, na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop (laughs), marunong kumikilala kung lalake o lalake, babae o babae. O di ba? Ngayon kung lalake sa lalake, babae sa babae, eh mas masahol pa sa hayop ang tao."


Ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda ay hindi napigilang balikan ang mapanghusgang statement ng pambansang kamao. Sabi niya sa interview sa kanya para sa Tonight With Boy Abunda:


 "Yung disapproval niya kasi sa same sex marriage I respect that. Pero yung mga ginamit niyang salita sobrang hindi pinag-isipan. Sobrang nakaka-degrade ng pagiging ano, ng pagkatao. Mas masahol pa sa hayop? I think that was just so, so unfair. Hindi sasabihin sa amin ng Diyos yun. Diyos ba siya? Gusto ko lang ipaalam din sa kanya ang opinyon ko. Kung yun ang paniniwala niya ay wala akong magagawa. Ako naman, ang paniniwala ko eh ah mas nakakahawa ang kamangmangan kaysa sa kabaklaan. Ako personally I will not vote for Manny."


Sa kanya namang Instagram account ay humingi ng paumanhin si Manny sa lahat daw ng kanyang nasaktan, sa kanyang pagkumapra sa tao sa hayop. Inaamin niyang kamalian niya raw yun, although hindi rin naman daw nagbabago ang pananaw niya sa same sex marriage.

Ang Asia's King of Talk naman ay naglabas na rin ng kanyang sama ng loob sa sinabi ni Manny. PERSONAL daw niyang opinyon at saloobin, nasaktan siya. Mahirap daw itong nangyari dahil nirerespeto niya si Manny. Pero ayon sa tv host:

"He crossed the line. He crossed the line. Hindi ako papayag Manny if you are watching na matawag mo ako na matawag mo ako na mas masahol pa ako sa hayop? I am lower than an animal?"

"Kami sa LGBT community, hindi rin kami titigil hanggang sa dulo ng buhay namin, hanggang kamatayan ipaglalaban namin ang aming karapatan to equality, to dignity. Dahil ninakaw ito sa amin, I am not begging Manny Pacquiao for dignity, I am not begging you for respect. I am not begging you for my humanity because you do not own my humanity. Akin yun, that's my birthright."

Tito Boy also cited Pope Francis.




"Anong sinabi ng Santo Papa ng mga Katoliko, you know if a person is gay and has goodwill and who seeks the Lord, who am I to judge. Manny sino ka? Sino ka para manghusga? Saan ka kumuha ng kapangyarihan para tawagin kami na mas masahol pa sa mga hayop?"





Sa huli, sa "common sense" na sinasabi ni Manny, ito ang huling tirada ni Tito Boy.

"Common sense ang ping-uusapan natin, tatakbo ka para senador, ito ang aking katanungan, ito personal ko lamang na tanong. Palagay mo ba, iboboto ko mga kababayan, dito sa studio, sa inyong mga bahay, iboboto ko ba ang isang tao na ang tingin sa akin ay hindi tao? Iboboto ko ba ang isang tao na ang tingin sa akin ay mas masahol pa sa hayop. Manny ang kasagutan ay salita mo, common sense."

Kayo po, ano ang pananaw nyo sa isyung ito? Iboboto niyo ba si Manny Pacquiao?

Comments