Piolo Pascual balik Primetime! "Hawak Kamay" magbibigay inspirasyon sa mga pamilyang pinoy!
Paano mababago ng responsibilidad ng pagigng ama sa
tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na
musikero?
Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng
ABS-CBN na “Hawak Kamay” na malapit nang mag-premiere, kung saan mapapanood ang
pagbabalik ng highly-acclaimed na aktor, si Piolo Pascual sa mundo ng teleserye
pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang “Starting Over Again”.
Makakasama ni Piolo sa “Hawak Kamay” ang tatlo sa
mga pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea
Brillantes, at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa “Hawak Kamay” ang bagong
child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni
Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.
Sa “Hawak Kamay,” isang ama ang magiging papel ni
Piolo. Naramdaman niya ang koneksyon sa mga batang makakasama niya sa
teleserye, lalo na’t single parent din siya. “Gustung-gusto ko makatrabaho ang
mga bata kasi nakikita ko rin ang sarili ko sa kanila,” sabi pa niya sa isang
interbyu sa TV Patrol.
Ang “Hawak Kamay” ay kwento ni Gin (Piolo Pascual),
na may pangarap na maging sikat na musikero. Haharapin niya ang maraming mga
pagsubok na maaring magpatibay o magparupok ng kanyang paniniwala sa kanyang
sarili at sa mundo. Gaganap bilang
kanyang girlfriend si Me-ann (Nikki Gil) at darating sa kanyang buhay ang
tatlong batang ampon—sina Emong (Zaijan Jaranilla), Harriet (Xyriel Manabat),
at Ningning (Yesha Camille) at isang estate executor na si Atty. Bianca
Magpantay (Iza Calzado).
Huwag palampasin ang simula ng kwento ng
“Hawak Kamay” sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan at i-like ang “Hawak
Kamay” sa Facebook (www.facebook.com/HawakKamayTV) at sundan ang “Hawak Kamay” sa Twitter at Instagram
(@HawakkamayTV).
Comments
Post a Comment