"Dapat po maging faithful tayo," Vhong Navarro on lessons learned matapos ang pambubugbog sa kanya.
Nakalabas na sa St. Lukes si Vhong Navarro. At matapos ang mga legal actions na una niyang ginawa pagkalabas ng ospital, nagpa-interview muli sa media ang TV Host-Actor. Sa usapan nila ni Korina Sanchez na ipinalabas kanina sa TV Patrol, isa-isang sinagot ni Vhong ang ilan sa mga gustong malaman ng tao mula sa kanya.
Naglabasan na ang CCTV, at tuloy pa rin ang paninindigan ng kampo nina Deniece Cornejo sa version nila ng kwento. Anong reaksyon ni Vhong dito?
"Hindi ko po alam eh, yun po yung version nila eh. Basta po ako sinabi ko lang po kung ano ang totoo. At yung mga totoo po na yun ay meron tayong mga patunay, at hindi po ako nagsisinungaling."
Ano naman ang pagkakakilala niya kay Cedric Lee?
"Basta po ang alam ko sa kanya eh nameet ko siya sa isang party."
Kay Deniece Cornejo?
"Kilala ko lang po si Deniece two years ago, nagkita lang kami sa isang store at ah, kinuha ko po nga yung number niya yun lang po."
May kasalanan ba siya kay Deniece?
"Wala po akong kasalanan kay Deniece, ang may kasalanan po ako sa girlfriend ko po, dun po ako nagkasala sa kanya po. Wala po akong kasalanan kay Deniece."
On the rape case filed against him?
"Kasi kita naman po sa CCTV wala po akong pwedeng rape-in dun, dahil po ang kasama ko dun dalawang lalaking armado. Kitang-kita po sa CCTV bumaba siya iniwan niya po ako dun, hindi po ako pwedeng sumunod sa kanya kasi po may nakatutok sa aking baril. At dinuct tape na nga po ako."
Anong kasalanan niya sa girlfriend niya?
"Kasalanan ko po na pumunta ako dun sa condo, na kahit po may girlfriend ako eh talagag... (natukso kang pumunta dun?) opo."
Motibo nina Cedric?
"Hindi ko po alam eh kasi una tinanong ko siya kung may boyfriend siya sabi niya wala. So hindi ko naman po alam kung boyfriend niya si Cedric... hindi ko alam... Basta ang alam ko lang na pwede kong gawin is sundin yung gusto nila, at may hawak pa silang video ko. Ito po yung video kong gulpi, eto po yung binaba nila yung pants ko... yun po yung pang-blackmail nila sa akin."
Saan siya humuhugot ng lakas para patuloy na lumaban para sa hustisya?
"Syempre po ang aking manager, si Direk Chito na hindi ako iniwan na laging nandyan sa tabi ko. Marami po eh, mga kaibigan ko po, pati po yung girlfriend ko na kahit ganito yung nangyari mas iniisip niya pa rin ako. Kaya sabi ko kung hindi ako magsasalita kung bibigay ko gusto nila feeling ko di pa rin ako matatahimik eh."
Wala na bang atrasan ang paglaban niyang ito?
"Wala na po. Wala na po talaga. Kahit po natatakot ako pero kailangan ko po ituloy to."
Nagkita na sila ng kanyang mga anak. Ano ang nangyari sa unang pagkikita at pag-uusap nila mula nang mangyari ang pambubugbog?
"Gusto kong maiyak, dahil sobrang miss ko sila, pero kailangan kong pigilan po kasi pag nakita nilang umiyak ako ibig sabihin parang ang weak ko eh. Kasi gusto kong pakita sa kanila na pagsubok lang to, pagdadaanan lang natin to at binigay sa atin ni God to dahil alam natin kaya nating lagpasan. Niyakap ko lang po sila ng mahigpit at sinabi ko, be strong." Dagdag pa ni Vhong, naniniwala raw ang mga anak niya sa kanya.
Lesson learned?
"Una po dyan wag na po tayong magtitiwala kahit kanino po dahil hindi po talaga natin alam kung sino ang kaibigan at hindi. At ewan ko po bago ko po ito sasabihin, alam ko po kasi nung bata eh sobrang mahilig po ako sa mga labas, sa mga girls... dapat po maging faithful tayo. Maging faithful po tayo. Kaya po sobrang humihingi ako ng tawad sa girlfriend ko, sobra sobra po."
Message to madlang people?
"Grabe po. As in grabe yung mga dasal na binibigay nila sa akin, yung paniniwala nila sa akin. Kaya kanina gusto kong umiyak paglabas ko pa lang ng St. Lukes kasi may mga naririnig akong matatanda, mga babae po... kasama mo kami sa laban, ang sarap pong marinig..."
Report and photo from TV Patrol, 6Feb2014
Comments
Post a Comment