"Life is not perfect and I can’t have everything," Gretchen Barretto refusing to fight back


For the first time, after pumutok ang gulo sa pamilya nila, ay humarap na sa publiko kanina si Gretchen Barretto bilang co-host ng The Buzz. Inabangan ng lahat ang magiging pahayag ni Gretchen.

Bago pa ang actual segment kung saan pinag-usapan ang tungkol sa kinasasangkutan niyang banggaan ngayon, napansin na ng marami ang pagiging emotional ng aktres. Sa isang portion ay mismong ang The Buzz host pang si Toni ang pumansin na naiiyak na ang aktres, matapos mapanood ang kwento tungkol sa pagbabati ni Kim Chiu at ng ama nito. 

Sa bandang huli nga, kung saan pinag-usapan na nila ang isyu ng mga Barretto, ay hindi na napigilan ni Gretchen na maiyak habang ipinapaalam sa lahat ang kanyang saloobin. 

The very emotional Gretchen Barretto, after speaking up on The Buzz about the rift between her and her family now.
“Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi madali na pinag-uusapan ka ng buong Pilipinas. Hindi madaling pakinggan 'yung pinagdaanan ko, 'yung childhood ko. [Pero] away pamilya ito, hindi dapat isapubliko,” umiiyak na panimula ng aktres.

“I learned this week that a tight embrace means the world to me. I learned that madami din palang nagmamahal sa akin. I also learned that life is not perfect and I can’t have everything. Dominique, my daughter, knows my story. Many years from now, lilingunin niya itong nangyari sa akin. Maaalala ni Dominique na my mom never fought and that's what's important for me. That's what I want to leave behind,” deklara ni Gretchen. 

Bilang nasa studio ng The Buzz sa buong panahong nangyayari ito, lahat din kami ay hindi makapagsalita dahil ramdam na ramdam namin ang sakit na iniinda ni Gretchen ngayon. Labis siyang nasasaktan sa nangyayari. Kaya sana, sana... maaayos pa ang gulo sa pamilya nila.

Comments

  1. May the Barretto sisters find peace & forgiveness in their hearts.

    ReplyDelete
  2. Kung ikaw magulang kahit anong kasalanan ng mga anak mapapatawad mo dahil anak mo siya kahit sino pa siya dahil hindi matitiis ng isang magulang ang anak..sa case ni inday baretto sa tingin ko malalim ang dahilan kung bakit ganon ang galit niya kay gretchen to the point na tinakwil na niya ito. Pareho lang silang may diperensiya at dapat sa loob ng bahay pinaguusapan at inaayos hindi na dapat linalabas sa public nakakakhiya. Sinasabi nila they came from a prominent and descent and good breeding family pero tingnan mo naman ang nangyayari napaka cheap kahit pa ang batohan nila eh in English..nasan ang breeding niyo. Daig pa sila ng ibang simpleng tao at hindi masyado nakapag aral may natitira pa ring respeto at kahit hindi mayaman may breeding. Kaya hindi talaga nabibili ang breeding.

    ReplyDelete

Post a Comment