"Wala naman akong sinabi na hindi totoo eh," Janice De Belen on 'sustento' issue against John Estrada

"Expected naman yun. Hindi naman ako masasaktan wala naman akong sinabing hindi totoo.  Paka-simple lang ng sinabi ko diba? Wala naman akong sinabi na hindi totoo eh," ito ang naging reaksyon ni Janice De Belen nang humarap siya sa press, matapos ang successful celebration ng first anniversary ng Saturday showbiz -oriented talk show nila na Showbiz Inside Report.


Matatandaan kasing earlier last week ay nakapagbitiw si Janice ng statement patungkol sa ex-husband niyang si John Estrada, na may kinalaman sa sustento. Natanong siya sa press conference para rin sa nasabing talk show niya, na kung willing ba siyang ma-interview si John sa programa. She said no, at kasunod nga nito ang controversial line niyang "support your children right" referring to her ex-husband. Ang statement na tila nag-provoke kay John para lumabas din sa TV Patrol last Friday at magbigay ng panig niya.

"First of all nakakasama ng loob, hindi ko din naman po hinangad  na maka-one on one si Janice in an interview. Dun sa support ng anak ko, You know we’ve been separated for 13 years... Never kong pinabayaan ang anak ko. At yung sinasabi ni Janice na maging okay lang kami na kung if I support my kids right. Korte na po ang nagsasabi, kasi dinala niya ako sa korte, I didn’t contest. You know? Kung ano sasabihin ng korte “John ito dapat ibibigay mo sa mga anak mo” yun talaga. And I give more bakit ko naman kailangan sabihin sa tao yun? Bakit ko naman ipagyayabang yun?" ang buwelta ng aktor.

Pero kasabay nito, hindi rin niya itinanggi na meron din siyang pagkukulang sa mga anak. "I'm not a perfect father. May pagkukulang ako sa mga anak ko. Ang kapal naman ng mukha ko na kasama ko yung mga anak ko parati, yun pala eh hindi ko naman pala sinusuportahan. Kung may pagkukulang ako sa mga anak ko ico-correct ko yun diba? Marami akong pagkukulang talaga. Naayos ko naman eh. Hindi ko lang makuha talaga 13 years, man! 13 years. Baka isipin ng iba kawawa naman yung anak namin. Jusko po tignan niyo ang mga anak ko ang lulusog. You know maiksi lang yung buhay I really hope, I wish the best for you. Sana talaga maging masaya ka na," pahayag niya kay Janice.

Kaya naman kinabukasan, agad ding hiningan ng press ng reaksyon si Janice sa paglabas na ito ni John. 

"Alam ko na agad yan, na pag nagsalita ka bukas may reaction. Kaya maingat din ako magsalita. That’s why I always think first before I say anything kahit yung sinasabi nila na namadali ako, mabigla ako, hindi. If you’re always used to thinking before you speak, your mind is trained to do that at any point.You choose your words nicely. Kasi babalik yan sa’yo," ang kalmadong sagot ng tv host-actress.

Pero nang muling ungkatin ang kontrobersiyal na sustento issue na sinagot ni John, ito lang ang binitiwang statement ni Janice. "Kung meron lang gustong mag abala, lahat ng mga sinabi ko, yung sinasabi ko naman yung pinaka-topic, yung gist nun sinasabi ko can be found in the court. Those are public documents. Kung may gustong mag-abala. Don’t have to talk about it anymore."

Comments