EXCLUSIVE PICS : Regine Velasquez loses voice, gets emotional during her Silver Anniversary Concert!
Eversince, Regine Velasquez fan na ako, at feeling ko naman halos lahat sa atin. I grew up trying very hard to sing her songs. Birit kung birit. Kaya naman, hindi ko pinalampas ang chance na mapanood siya at maki-celebrate sa kanya sa kanyang 25th anniversary concert. Another milestone in her life na na-delay ng isang taon, dahil nga ipinagbuntis niya si Nate last year. Opening number pa lang napansin na namin na parang iba ang boses ni Songbird. Di kami nagkamali. Dahil right after that number, she revealed that she is sick at "na-traffic" ang kanyang boses. Kaagad siyang naging emotional dahil nahihiya raw siya sa lahat ng pumunta, na nag-expect na marinig siya at her best. Buong show, talagang struggling si Songbird na makabirit at maibigay ang hinahanap ng lahat. Kaya naman hindi niya naiwasang maiyak, tuwing may susubukin siyang ibirit at hindi niya ito magawa. Sa awiting "Dadalhin" unang bumigay si Regine, dahil may isang mataas na part nito ang hindi niya nakanta, ibinaba niya na lang ang microphone sabay napaiyak na siya. Naging very supportive naman sa kanya ang guests niya, sa pangunguna ng asawang si Ogie Alcasid. Suportado siya nina Janno Gibbs, Michael V at ni Lani Misalucha, na talaga namang umalalay kay Songbird during their number. Nandun din sa Arena kagabi ang ilang tagahanga at kaibigan ni Regine tulad nina Kris Aquino, Vice Ganda, Eugene Domingo, Sweet Lapus, Angeline Quinto, Lucy Torres-Gomez, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, at si Aga Muhlach kasama ang mga anak na sina Andres at Atasha. Walang tigil din si Regine sa pagbibigay pugay sa kanyang Baby Nate na later in the show ay kinuha niya from the audience at kinantahan on stage ng "God Gave Me You." Nandun din syempre ang Tatay Gerry niya na ayon kay Regine, kasama ang kanyang ina, ay siyang mas deserving sa mas malakas na palakpakan. Sa isang bahagi ng concert ay tinawag niya rin ang fan at friend at impersonator niyang si Anton Diva, para alalayan siya sa kantang "On The Wings Of Love." In the said number, kahit pa may sakit, ginawa pa rin niya ang "paglipad" na inihanda niya para sa lahat. Pero kahit nagpa-inject na raw siya ng gamot, hindi pa rin dumating ang kanyang boses. Kaya naman sa bandang dulo, sinabi niyang magkakaroon ng FREE CONCERT para sa lahat ng nagpunta kagabi. Itago lang daw ang tickets at libre siyang magco-concert ulit bago matapos ang taon. Kasabay ng pag-iyak, natuwa naman siya ng sabihin ng Mall of Asia Arena na libre rin nilang ibibigay ang venue para sa repeat ng concert. Paglabas namin ng Arena, lahat emotional pa sa naging takbo ng show. Walang nagrereklamo, dahil lahat mas bumilib pa nga sa ipinakita ni Regine. Na-cut short ang show, kaya mas marami pang kanta ang hindi nakanta. Ibig sabihin lang, mas marami pa talaga tayong aabangan sa free concert na gagawin niya soon. Anuman ang nangyari kagabi, we still love you so much Songbird! Ikaw pa rin ang idol namin!
CLICK HERE for more photos!
wow, nice
ReplyDeleteMAHAL KA NAMIN SONGBIRD! LOOKING FORWARD SA REPEAT KUNG NAPANUOD NYO LANG ANG REHEARSALS MALALAGLAG ANG MGA PANGA NYO , LALO NA PO YUNG ARRANGEMENT NG ON THE WINGS OF LOVE, SOBRA!
ReplyDeleteCannot help but like a professional and lovely celebrity like Regine who genuinely cares about her fans.
ReplyDelete