Angeline Quinto at nagpapakilalang diumano'y tunay niyang ina, nagpa-DNA test na!
Last week ay pumutok sa The Buzz ang kwento tungkol sa isang babaeng na nagke-claim na siya diumano ang ina ni Angeline Quinto. Ang babaeng ito na nagngangalang Veronica Tolentino ay nagbitiw ng pahayag na handa siyang magpa-DNA test para malaman ang buong katotohanan...
At kahapon nga, exclusive pa rin sa The Buzz, ipinakita na ang actual na unang pagkikita at DNA testing nina Angeline at ni Aling Veronica na naganap noong Friday - June 22. Naging emosyonal si Aling Veronica nang finally ay makita at mayakap niya na si Angeline, na dumating naman sa ospital kasama ang kinagisnan at kinikilala niyang tunay na ama.
"Naiyak ako gusto ko na lang yakapin agad, kung pwede nga lang kargahin, kargahin ko na eh... Sabi ko lang kamusta ka na anak... Basta masaya ako, siya talaga ramdam ko siya talaga," ang pahayag ni Aling Veronica.
Ayon naman sa ama ni Angeline, hindi raw niya kilala ang babaeng ito at mula pagkabata ay hindi raw nalayo sa kanya ang anak niya - na lumaki sa tiyahin niya, si Mama Bob na kinalakhang nanay naman ng Pop Superstar. (Claim kasi ni Aling Veronica, patay na ang tunay na ama ni Angeline at ang mga kinikilala ng singer na kamag-anak ngayon ay hindi niya tunay na kadugo)
Sa pagharap naman ni Angeline kay Boy Abunda, buong-buo niyang kinwento ang saloobin niya sa pagkikita nila ni Aling Veronica at sa pagpapa-DNA test nila.
BOY : Punta tayo doon sa kwento ni Aling Veronica Tolentino... Kamusta? Ano ang iyong reaksyon, paano kayo nagkita? Paano kayo ipinakilala? Tell me your story.
ANGELINE : Nagulat po ako tapos sobrang naawa po ako sa kanya kasi alam ko nga pong sobrang matagal na niya ring gustong Makita yung dalawang anak nya nga po na nawawala at sinasabi po na ako po yung Angeline na nawawala, tapos niyakap po niya ko tapos umiiyak po siya.
BOY : Umiyak ka?
ANGELINE : Hindi po.
BOY : May lukso ng dugo ika nga?
ANGELINE : Parang po, kasi hindi ko po maramdaman pa kasi yung tatay ko po nandun din po kanina kasama rin po namin. Parang ayoko naman pong ipakita na masyado po akong naghahanap kasi nahihiya ako dun sa tatay ko…. Kasi kami po yung nadun tatlo po kami.
BOY : Ano ang inyong naging pag uusap? What kind of a conversation was that?
ANGELINE : Nung una po nahihiya po talaga kong magtanong sa kanya... Ayun po hindi po nagtagal kinamusta ako siya tapos sabi niya sa akin nasaan yung kapatid kong si Ronron? Ang sinasabi niya po kasing Ronron yung bunso kong kapatid ko na nasa Las Piñas po.
BOY : Ano ang pangalan ng bunso mong kapatid?
ANGELINE : Rudy po.
BOY : Rudy pero ang tawag ni Aling Veronica, Ronron. Ika-klaro ko lang po ito, siguro ang kanyang tinutukoy ay ang iyong kapatid dahil hindi pa tayo sigurado no. So anong sagot mo nung sinabi niyang kamusta ang kapatid mong si Ronron?
ANGELINE : Sabi ko mabuti po. Sabi niya hindi ko ba siya pwedeng makita ngayon. Sabi ko nasa Las Piñas po kasi ngayon si Rudy sabi ko po kaya hindi ko po alam kung pwede niyo siya makita ngayon.
BOY : Ang father mo galit?
ANGELINE : Hindi naman po
BOY : Ano ang kanyang naging emosyon sa kaganapang ito?
ANGELINE : Tahimik lang po at ayun po sinasabi niya po, ng papa, na sigurado siya na anak niya ko.
BOY : Alam ko na hindi kasama si Mama Bob kanina. Anong kanyang sinasabi?
ANGELINE : Sa totoo po kasi Tito Boy hindi alam ni mama na nag-dna kami kanina. Wala pong alam si mama dyan…
BOY : Ayaw niya?
ANGELINE : Ayaw niya po nagagalit po kasi siya eh. Hindi daw po kasi talaga si Aling Veronica yung nanay ko.
BOY : Bakit niya nasasabi yun?
ANGELINE : Kasi kilala niya daw po yung talagang nanay ko.
BOY : Kung kilala niya ang tunay mong nanay, sino at nasaan?
ANGELINE : Ayun po ang hindi nila masabi sa akin.
BOY : Kilala niya pero hindi niya alam kung nasaan.
ANGELINE : Opo
BOY : Halimbawa ang resulta ng DNA ay positibo, hypothetical lang anong gagawin mo?
ANGELINE : Ang sabi ko naman po sa tatay ko at dun sa mga nag aalaga sakin kung sakali man po na maging positive yung DNA namin hindi ko naman po pababayaan si Aling Veronica po at syempre ako'y nagpapasalamat sa kanya kasi siyempre siya pa yung lumapit sakin at nagpapakilala nga po...
BOY : Angeline uulitin ko lamang ang tanong na ito bakit mahalaga para sa iyo na makilala ang iyong tunay na ina?
ANGELINE : Simula po nung pagkabata ko nung nalaman ko na ampon ako yun na po yung isa sa mga pangarap ko kaya rin po ako nagsusumikap kasi gusto ko rin talagang makilala yung tunay kong nanay gusto ko pong malaman kung kanino ko nanggaling. Kasi parang pakiramdam ko po na hindi ko kilala yung tunay kong nanay, hindi po buo yung pagkatao ko.
BOY : I understand, halimbawa naman ang DNA test ay negative ano ang gagawin mo?
ANGELINE : Kung sakali naman na maging negative ang DNA test, nagpapasalamat pa rin po ako kay Aling Veronica po... May binigay nga po akong sulat sa kanya kanina. Na nakalagay doon na kung sakali nga po na sa kasamaang palad po ay hindi nga kami magkadugo eh sinabi ko naman sa kanya na wag siyang mag alala dahil lagi naman po siyang kasama sa mga dasal ko na sana mahanap niya yung tunay niyang anak.
BOY : May naririnig akong kwento na diumano at hindi ko masisisi ang iyong ama, ay sinasabi niya na hindi siya naniniwala kay Aling Veronica dahil nga sa kwento, diumano may nagtuturo nga kay Aling Veronica sa kanyang mga sasabihin. Did you get that sense na parang may script, na may nagtuturo lamang doon sa sinasabi ng matanda?
ANGELINE : Hindi po Tito Boy eh never pong pumasok sa isip ko yan eh nang napanood ko po yung interview ni Aling Veronica sa The Buzz, naramdaman ko naman po na talagang seryoso si Aling Veronica.
BOY : This is really, really a wild question... Angeline, hypothetical, lumabas na si tatay mo, ay hindi mo tunay na tatay?
ANGELINE : Sa totoo lang po naisip ko din yan, yun po yung naglalaro talaga sa isip ko ngayon na kung sakaling maging negative ang tatay ko, positive si Aling Veronica, kasi po Tito Boy kung sakaling mangyari yun ang nasa isip ko ngayon, ang lahat po ng pamilya ko na nakilala ko simula po ng pagkabata ko hindi ko tunay na kamag anak. Siguro po kung sakaling mangyari yun ang dami na namang tanong sa akin.
BOY : Pero Angeline handa ka para sa kahit ano?
ANGELINE : Handa po ako kahit ano pong mangyari.
BOY : Sabi mo nga, so lahat ng mga nakilala ko ay hindi ko mga tunay na pinsan pero lahat ng mga nakasama at nakilala mo at mga nag alaga sayo, ay hindi mo kailanman iiwanan. Kasi yun ang pamilya mo?
ANGELINE : Opo naman at saka lalo na yung nanay ko, yung tatay ko, naramdaman ko rin naman po na kapamilya ko sila.
BOY : Ano ang dasal mo sa Diyos?
ANGELINE [cries] : Minsan po kasi di ko na maintindihan talaga. Parang andami pong blessings na binibigay sakin ng diyos pero parang ang malas malas ko po kasi hindi ko pa rin natatagpuan yung tunay kong nanay. Parang gulong gulo na po yung isip ko ngayon may mga naririnig po ako na nagsasabing patay na raw po yung nanay ko. Hindi ko na po talaga alam kung ano po yung paniniwalaan ko...
BOY : Wag ka lang bibitaw dasal ka lang ng dasal... Maraming salamat. Maraming, maraming salamat.
CLICK HERE FOR MORE PHOTOS!
CLICK HERE FOR MORE PHOTOS!
Courtesy : The Buzz, June 24, 2012
Photos Courtesy : Mylene "Mash" Zapanta
Photos Courtesy : Mylene "Mash" Zapanta
sana andiyan sicoco martin para ma supportahan ka sa nangyayari sayo ngayon diba? para lalo ka maging matatag sa problema mo sa ngayon idol. keep praying always....huwag kang bibitiw kahit ano mangyari sayo.GOD BLESS YOU ....I LOVE YOU WITH the LOVE OF THE LORD.....
ReplyDeletepeople who use "PO" more than once in a sentence is not sincere.
ReplyDeletepati ba naman yung "PO" pinapansin? kawawang nilalang lol :D
ReplyDeletehahaha. may point naman teh. pano mo naman kasi di mapapansin yung PO eh wagas si angeline maka gamit ng PO. ang sakit sa tenga kung pakinggan
ReplyDelete