Mabuhay ang UP Babaylan!


Ito na siguro ang taon ng aking mahal na org sa UP nung college pa ako — ang UP Babaylan. Una, big winner ang dalawang bagets na designers ng Babaylan sa katatapos na Mega Young Designers Competition: si Renan (Grand Winner) at si Mara (1st RU and Best in Show).

Mara (2nd from left) at Renan (center) after the awarding with Risa Hontiveros (2nd from right who’s wearing a dress by Joel Acebuche na isa ring member ng UP Babaylan) and other UP Babaylan members.
Pangalawa, big winner din ang UP Babaylan dahil apat sa members nito ang title (wagi) sa university at college elections- pinaka-importante dito ang pagkakapanalo nina Heart Diño bilang chairperson ng Univesity Student Council at Pat bilang konsehal. Ang dalawang ito ay parehong transgender women. (Transgender woman: assigned male at birth but identifies and lives as a woman).


Super happy ang pagka-win ni Heart dahil siya ang kauna-unahang transgender woman na nakamit ang pinakamataas na posisyon sa Student Council. Perhaps, siya ang una sa Pilipinas, o baka nga sa buong South East Asia pa. Kaya nga lately ay laman siya ng lahat ng mga dyaryo, balita,  local at international websites at blogs.


Ang UP Babaylan Diliman ay ang kauna-unahang LGBT student organization sa Pilipinas na recognized ng school administration. Ito na rin marahil ang pinakamatagal na LGBT organization sa buong bansa. Bukod sa pagkakatatag ng UP Babaylan, naging makasaysayan din ang pagkapanalo ni dating Punong-Babaylan Perci Cendaña bilang USC Chairperson ng UP Diliman noong 1992. Si Perci ay ang kasalukuyang Commissioner-at-large ng National Youth Commission.

Not a few years ago ay itinatag ng mga alumni ng UP Babaylan ang Babaylanes, Inc. na alumni organization ng UP Babaylan. Tumutulong ang Babaylanes, Inc. sa iba’t ibang grupo ng student LGBTs para makapag-buo ng kanilang sariling organisasyon. So if you want to organize your own LGBT organization in your school, pwede kayong magpatulong sa kanila. You may visit their website: http://www.babaylanes.org




Comments

  1. Go UP! Go babaylan! Another milestone. kudos!

    ReplyDelete
  2. Modest prom dresses that offer both on-trend design and traditional style, this collection of prom dresses with sleeves honors your traditions, values and integrity. A dynamic statement of who you are, our modest prom dresses represent your beliefs while letting your true beauty, femininity and personality shine through beautifully

    ReplyDelete

Post a Comment