United Nations High Commissioner for Refugees, nagpadala na ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong



Kahapon ay dumating na sa Pilipinas ang tone-toneladang relief goods na ipinadala ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), na sinalubong naman ng kanilang Honorary Patron for Asia na si Kris Aquino. Kasama si Bimby, at ang UN Philippine representative na si Bernard Kerbalt, tinanggap ni Kris ang mga relief goods na ipinadala ng UNHCR sa tulong at contribution na rin ng iba pang bansa. Partial pa lang ang dumating kahapon mula sa warehouse ng UNHCR sa UAE. Tuloy-tuloy pa ang pagdating ng maraming tonelada ng goods hanggang sa December 26. Itu-turnover ito nina Kris sa DSWD, na siya namang magdi-distribute ng mga ito sa mga nangangailangan nating kapamilya sa Mindanao. 

Aside from the help from the UNHCR, tuloy-tuloy rin ang efforts ng marami nating kapamilya para kahit papaano ay makadamay sa mga biktima ni Sendong. Kaya sa mga may gusto pong itulong, contact nalang your chosen group and share your blessings. 

Comments

  1. KRIS AQUINO TUPPERWARE! obvious naman na ginagawa lang nya yan para sa pelikula nya! plastik! PWE!!!!!

    ReplyDelete
  2. Hoy d na baleng Tupperware bsta naka2l0ng,eh ikaw?my nai2l0ng ka na b?#crabmentality

    ReplyDelete
  3. Eto na naman ang reyna ng kayabangan, ka-artehan at kaplastikan, KRIS Aquino. Itigil na ang pag promote sa kanya, pag publish ng pictures niya sa kanyang kaeklayan na di naman yata niya alam ang ginagawa niya. What does she know being UN high commissioner for refugees? Puro yabang lang yang Kris na yan. If not for the president matagal ng nag disappear yang Plastic Queen na yan.

    ReplyDelete
  4. Ano naman kayang kayabangan ang pinagsasabi niyo!? mabuti nga merong isang Kris Aquino na marunong magmalasakit sa kapwa nating pilipino. Bilib ako sa kanya sa UN pa siya naging Ambassador.

    ReplyDelete
  5. Gaya gaya lang naman yang babaing yan, mga sakit niya INGGITERA, MAYABANG, akala niya siya lang ang anak ng diyos kung makapagsalita...

    ReplyDelete
  6. basta ako hindi ko gusto itong si kris.

    ReplyDelete
  7. Si Kris lang ang may gusto sa sarili niya dahil bilib na bilib siya na siya ang pinaka magaling, maganda at mahusay. Hanggang salubong lang ng UN donation ang kaya niya. Ba't di siya pumunta sa malalayong lugar at doon siya mag distribute ng mga donation? Puro press release lang siya. What a phoney!

    ReplyDelete
  8. Wala ng paglagyan mga tao sa inyo, pag hindi tumulong walang pakialam puro nega pa rin at pag tumulong nga, mas lalong nega??!!! The fact is kahit ganun si kris, nag eeffort talaga sya makatulong despite her kaartehan na sinasabi nyo. Season of love, dapat lysolin nyo mga utak nyo. Hindi tayo uunlad nyan!

    ReplyDelete

Post a Comment