Jodi Sta. Maria, may pinapatamaan nga ba sa bago niyang commercial?
Usap-usapan dito sa Internet ngayon ang bagong commercial ni Jodi Sta. Maria para sa Gluta-C whitening products. Ang lahat curious, may pinapatamaan nga ba ang mahusay na aktres sa bagong TVC na ito? Sinasabi kasi sa commercial na "Sis, sabi mo pinaputi ka ng ini-endorse mo? Pero di ba pinanganak kang maputi?"
Ayon pa sa ilan, tama naman ang sinasabi ni Jodi sa commercial. Meron nga namang mga artistang nage-endorse ng whitening products ngayon ang ipinanganak na mestiza o di kaya'y galing sa pamilyang mestiza. Yung iba umabot pa sa point na kwestyunin ang truth in advertising dahil sa issueng ito. Kaya naman daw, kung bibili ng whitening product, dun na sa proven na talagang pinaputi ang celebrity endorser! Hindi yung maputi na ang endorser to begin with. Pak!
TAMUUUHHHH!!!
ReplyDeletetruth in advertising!
ReplyDeletebakit kasi gustong magpaputi?maganda naman ang morenang kulay.magpakinis ,ok! magpaputi,napakaOA,wala sa katinuan,gustong maging kutis dayuhan.mentaliting baduy bwahaha
ReplyDeleteunfortunately, ang napapansin lang ng mga tao ay kung sino ang endorser - pag sikat, patok sa kanila, pag hindi, dedma lang. hindi nila alam that sometimes they are being fooled of what they see sa mga ads na nakikita nila. sana mas marami ang maging wais at maging mabusisi sa mga nakikita at napapakinggan nila sa paligid nila. and yes, i am for truth in advertising. challenge 'yan sa mga ad agencies, especially the local ones.
ReplyDeleteoo nga, bakit pa kasi kailangang magpaputi? eh ang ganda-ganda ng kulay nating kayumanggi, ano? ang mahalaga, makinis at malinis ka sa katawan. kaya maputi man o hindi, wagi kung alam mong tunay kang maganda. tama, di ba?
ReplyDeletehmmmm...sino nga kaya ang pinatatamaan ni jodi sa commercial na yan? magandang blind item yan. haha...
ReplyDeletemeron ding endorser ng whitening products like angel locsin na hanggang ngayon ulikba pa rin
ReplyDeletecolonial mentality at its best!gandang ganda ng kulay kayumangi tapos gustong maging trying hard na maputi.ok lang kung born meztiza pero pumuti dahil sa gamot at kung ano ano pa ,napakaCHEAP,TRYING HARD pasosyal na baduy.
ReplyDeleteactually like ko ang kulay ni angel locsin kaya disappointed ako ng magendorse sya ng whitening product.anong pangit sa kulay kayumangi?sabagay pera pera lang yan ,di na inisip kung anong mentalidad ang pinaparating sa mga kabataan,na pangit ka kung morena ang yung kulay at mas maganda ang kutis dayuhan.
ReplyDeleteYung mga Caucasians, laging nagsa-sun bathing para maging tan. Ang mga Filipino naman, na naturally maganda na yung kulay na brown skin, gustong mag-mukhang pale.
ReplyDeleteUy, puwede ba? Yung mga dayuhan na agency, sila ang magaling mambola.
ReplyDeletenung hindi pa artista si jodi, kapitbahay namin yan dito sa pasay. maputi din naman na sya noon pa, lagi nga yang muse dati, kasi maputi nga sya at maganda, iisipin mo nga na half filipina lang sya :D
ReplyDelete