Part 2 : Angelica Panganiban reveals : "Feeling ko ampon ako"



Sa pagkikita nina Angelica Panganiban at ng ama niyang si Mark Charlson, masaya niyang sinasabi na finally ay buong-buo na ang pagkatao niya. Pero hindi lang ang pagkikita nila ng real father niya ang dahilan para mabuo siya bilang isang tao. Dahil bago niya pa hanapin ang kanyang ama, ay isang malaking sikreto pa about her ang nalaman ng aktres. At ito ay ang katotohanang ang inang kinalakhan niya, ang inang nakasama niya simula pa baby siya... ay hindi niya pala tunay na ina. Paano nalaman ni Angelica ang lihim na ito? Sino ang tunay niyang ina? At paano niya tinanggap ang malaking pasabog na ito sa buhay niya?


Click here na agad for the full story!



BOY : angelica charlson, balikan lamang natin ng konti para ma-appreciate natin ano. Angel I don’t know how to phrase this question, pero kailan mo nalaman na dapat hanapin mo ang iyong ama?
ANGELICA : Nalaman ko lahat lahat, ahm nung january lang. to be exact January 5, 2010.
BOY : paano mo nalaman?
ANGELICA : sa cousin ko, right after taping of banana split nagku-kwentuhan kami. Para ko kasing best friend yun eh. So nagtanong ako sa kanya, matagal na matagal ko nang gustong itanong yun sa kanya, kasi feeling ko may alam siya sa tunay na nangyayari sa aming buong pamilya. So sabi ko alam mo feeling ko ampon ako. Gumanun ako sa kanya. And then hindi siya nagsalita. Umiyak lang siya. [cracky voice] Naaano na ko parang ah eto na yun. 
ANGELICA : Wala akong reaksyon pumasok lang ako ng cr hindi ko rin alam kung bakit. Tapos tinignan ko yung sarili ko, parang blangko. Then lumabas ako tapos sabi ko sa kanya, so ibig sabihin hindi kita kamag-anak? Then humindi siya tapos umiyak lang siya tapos umupo ako tapos sabi ko, so wala akong pamilya? [cracky voice ulit] tapos sabi niya hindi hindi pamilya tayo pamilya tayo. So yun yung mga unang pumasok sa isip ko. and gusto ko lang linawin na wala akong naramdamang galit. Yung unang naramdaman ko is nainggit ako. Kasi hindi pala talaga ko part nung family na kinalakihan ko. [teary eyed] na parang para sakin ang perfect nun lahat. so hindi ko maharap yung pamilya ko, hindi ako makauwi samin, kasi nahihiya ako, baka nasasaktan ko pala sila. Baka may nasasabi akong hindi maganda [cracky voice, teary eyed] /
ANGELICA : umuwi ako ng bahay. Lumapit ako sa mama ko sinabi ko na alam ko na lahat. Then, nakakagulat kasi meron siyang pictures meron siyang, nandun yung mga pangalan, lahat ng mga kailangan kong malaman para makita ko sila. Wala naman silang planong itago sakin ng ganun katagal.
BOY : nag-aantay lang siya na tanungin mo?
ANGELICA  : siguro po, or siguro nag iba lang din yung buhay namin nung naging artista ko. Kasi baka pag nalaman ng mga tao, pagtawanan ako or maging iba yung tingin sakin, maraming taong makisawsaw. So hinintay po niya siguro yung pagkakataon na kaya ko nang ipaglaban yung sarili ko. So ako yung, masyado kong, sobra kong grateful, iniisip ko sobra kong blessed... Sabi ko nga sa kanila  kung ako yung, ako yung papipiliin kung kaya ko lang magsalita nun [teary] kayo at kayo yung pipiliin ko.  

Pero matapos ang ma-discover, hindi naman daw nagmadali si Angelica na hanapin o kilalanin ang kanyang biological parents.

ANGELICA : and then may nagtanong sakin, tinanong ako ni ketchup... eusebio, sinabi ko sa kanya lahat. And then tinanong niya ko kung gusto ko makilala yung mga magulang ko. Sabi ko humindi ako. Kasi bakit pa, sabi ko may pamilya ko at masaya ko sa pamilya ko. And then nagkaroon na lang ng isang, after a month, after valentines day. Nasabi na rin sakin sa isang kwentuhan, nadulas na lang din yung isa sa mga kaibigan kong nakakaalam din ng totoo, na wala na daw pala yung tunay kong nanay. namatay siya 2 years ago. Sa Singapore. So dun ako nagkaroon ng pakiramdam na kailangan ko siyang bisitahin, magbigay respeto. And magpasalamat kasi naisip pa rin niyang buhayin ako. Bigyan ng ibang pagkakataon yung ibang pamilyang sumaya. Hindi niya ko naisip ipalaglag o kung anuman 
BOY : paano mo ginawa ito, paano ka nagbigay respeto? Paano ka nagpasalamat sa iyong ina?
ANGELICA : pinuntahan ko yung puntod niya... [cracky voice] nung holy week.
BOY : at ang sinabi mo sa iyong nanay?
ANGELICA : hindi ko siya kilala pero mahal ko siya. [pinipigil umiyak]
BOY : saan ang puntod ng nanay?
ANGELICA : nasa singapore po.
BOY : before you spoke to your cousin, bago mo itinanong ang tanong na ampon ba ako, paano mo narating ang pagkakataon na yun? what brought you there?
ANGELICA : nung highschool pa lang po ako, may nagsasabi na sakin na ‘uy kilala ko yung tunay mong nanay’ may lumapit saking ganun. Hindi ko lang siya pinansin. Isa sa mga bestfriends ko sinabi niya na may mga kakilala nga daw yung brother niya sa olongapo na kine-claim na alam daw yung tunay kong pagkatao ganun..
BOY pero hindi mo pinapansin?
ANGELICA : hindi. Pero nagstart na kong magdoubt  kung bakit may mga lumalabas na ganun.
BOY : wala kang kinausap? Talagang itinago mo ito sa sarili mo?
ANGELICA : oo. Nahihiya po kasi ako baka mali ako. Kasi tito boy sa relationship kung dun ko po titignan kung papano nila ko tinrato, wala akong mararamdaman na hindi ko sila kapamilya. Never nilang pinaramdam sakin na iba ko.
BOY : do you wanna go into the details of your story?
ANGELICA : kahit ano po. [laughs]
BOY : paano nangyari? i mean what happened bakit ka ipinaampon?
ANGELICA : ang pagkakaaalam ko po hindi talaga ko kayang iprovide ng nanay ko, so minabuti po niyang ibigay ako sa pamilyang may kaya nung mga panahon na yun.
BOY naiintindihan mo yan sa puso mo?
ANGELICA : oo. And sinasabi nga ni mama, alam mo nak yung nanay mo, kahit napapanood ka niya sa TV, nakikita niya na kumikita ka, never siyang tumawag dito or nanghingi ng kahit na ano. Wala silang ginawa para iblackmail kami, [slightly crying] or guluhin kami, siguro Masaya lang talaga siya para sakin.

Kasabay ng katotohanang ito, ay ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya hinanap ng kanyang ama.

ANGELICA : ang alam niya namatay kami sa isang car accident, may nagpadala ng telegram sa kanya na namatay kami sa car accident.
BOY : kayong mag ina?
ANGELICA : two months before ako ipanganak daw. Kasi alam po niya na November ako ipapanganak eh. So mga around septemeber, nakatanggap siya ng sulat na wala na nga daw kami. And then hindi siya makauwi kasi nakadestino siya, I think sa Arizona yata yung kwento niya sakin
BOY : ito yung gusto mong sabihin na nabuo, nakumpleto.. hindi ba. Ambait ng diyos
ANGELICA sobra
BOY God is so good to you.
ANGELICA : hindi ko nga po alam kung ano yung nagawa kong maganda bakit nangyayari sakin to eh. [crying] para kong tanga.
BOY : bilang pagtatapos angel, if you were to pray now, what is your prayer, ano ang dasal mo?
ANGELICA : sawa na po siguro siya sa kakapasalamat ko
BOY wala ka nang ginawa kundi magpasalamat ng magpasalamat
ANGELICA : [cry] sobra...hindi ko ineexpect na mangyayari po ito sa buhay ko eh. Pinagppray ko lang na alam kong hindi lang to sakin nangyayari. May iba ring bata na gustong makita yung nanay nila or tatay nila… or mga kapatid nila. Gusto ko pong maging inspirasyon para sa kanila.
BOY : sa iyong pamilya ngayon, anong nasa puso mo, what do you wanna tell them?
ANGELICA : [teary eyed] mahal na mahal ko po sila at kahit po bali-baliktarin natin yung sitwasyon, sila po yung pamilya ko.. sila lang
BOY : but you also know in your heart that wherever your mom is, your real mom is, she must be smiling
ANGELICA : nung araw ng patay nung nov 2, naglight ako ng candle para sa kanya. Alam ko na proud ka sakin and sana dumating yung panahon na sabi ko malapit ka na naman diyan, baka pwede mong kalabitin sa papa jesus na baka pwedeng someday, magkita kami ng daddy ko. Then nov 2 yun, November 4 yung birthday ko. November 4 ko napanood yung birthday greeting sakin ng daddy ko at nakausap ko pa.
BOY : he’s there. your dad, baka igoogle ito at mapanood itong ating pag uusap, what do you wanna tell him?
ANGELICA : alam naman po niya na mahal na mahal ko siya at may mga tao nga pong nagtatanong, bakit mahal mo na kaagad eh kakakita mo pa lang. Sabi ko hindi mo kayang iexplain pag nandun na/
BOY : katulad nga ng sabi mo you must have been doing so many things that are good in the eyes of god for you to be so happy now. And Masaya kami para sa iyo, maraming salamat 

ANGELICA : thank you


Source : The Buzz

Comments

  1. Sa totoo lang kamukha ni Angelica ang daddy niya! Masaya ako para kay Angel dahil nagkita na silang magama.

    ReplyDelete
  2. angelica lalo mo akong pinahanga..masaya ako na nakilala mo na ang daddy mo..

    ReplyDelete
  3. Grabe! naiyak ako sa transcript pa lang... paano pa kaya pag napanood ko ang interview...
    I'm so happy for you, Angelica! :)

    ReplyDelete
  4. i am happy with angelica, i have a friend who has the same experience with angelica too..minahal sila ng mga umampon sa kanila..she is also half american born in Olongapo. nakakaiyak talaga ang stories nila. god is so good!

    ReplyDelete
  5. mahal na mahal talga si angelica ng kinalakhan niyang pamilya I'm one of the witnessed eversince we were a child pa back in tondo. I saw kung pano alagaan iyan si angel and I've been 1 of angel's and her cousin's friend kaya nakita ko na talgang mahal na mahal siya ng family niya. I'm so happy for my friend

    ReplyDelete
  6. Grabe.. So proud of her talaga.. hndi man lang xa nagtanim nang galit.. Am very2 hapi 4 her.

    ReplyDelete
  7. what an inspiring story..kakaiyak..we love angel more

    ReplyDelete
  8. kamukhang-kamukha talaga sila ng dad nya. at last she has a dad who can protect her. we all cried while watching the interview.

    ReplyDelete
  9. kaiyak! nde naman imporatnte kung ampon or tutoong anak ka..lalo at na trato ka naman na tutoong kapamilya..but it's also nice to know who's your real family..happy for Angelica..

    ReplyDelete
  10. tamah kamukha nga talga ni angel yung dad nya promise,,naku naiiyak ako sa interview kanina,,akala ko nga nung teaser pa lang parang jowk lang yata yan, para "mapag-usapan" pero pinanood ko talga sa the buzz naku prang teleserye na totoo,,promise,kawawa pala si angel no,kala natin lahat 100% siyang masaya may tinatago pala,,nakaka inspire nga talga, kahit ako sure ako sa family ko now maybe magkakganun kay angel,,,hah jowk,,bata saludo ako sau RUBI(angel)

    ReplyDelete
  11. nakakaiyak naman ang kwento ng story mo angelica

    ReplyDelete
  12. Good luck, Angel. You are so blessed kasi mabait at totoo kang tao. I hope and pray for your continued success and happiness.

    ReplyDelete
  13. i'll keep this inteview's transcript and save the video interview. My daughter will grow up without a father and whatever happened between me and her Dad, I like her to grow up loving and respecting her Dad just the same way that she is to me... this will definitely inspire her. Happy for you Angel.

    ReplyDelete
  14. Angel, I'm so amazed of your journey in life. Everything happened for a reason. I hope that your story will be everyones inspirations of love,forgiveness and understanding. I'd like to see your story in a movie with you as an actor. :)

    ReplyDelete
  15. paulit-ulit ko mang basahin..naiiyak pa din ako.. God is so good

    ReplyDelete
  16. ..your just so blessed angel. And you deserved it naman.

    ReplyDelete
  17. What an inspiring story! Angelica Panganiban really deserves all the happiness and success that she has now. It also shows how good our God is.

    ReplyDelete
  18. sabi ko na nga ba ampon tong si angelica, ang chachaka nung mga kamaganak nya eh!

    ReplyDelete
  19. To:Anonymous, December 7, 2010 12:05 PM

    What the hell is your problem? You are talking about the family that loved her and treated her as one of them. Angelica is what she is because of this loving family you refer to as 'chachaka'. Ikaw siguro, you were raised by wolves dahil bastos kang mag-comment.

    ReplyDelete
  20. This is inspiring! I'm an adoptive mom, with a kid who's not borne of me, but means the world to me.. When the time comes that I need to tell her about her roots, I hope she will just be as grateful as Angelica is. I'm pretty sure of that coz not only me & my husband, but our parents and siblings on both sides shower her with so much love and attention. So, thanks Angelica for being generous enough to share your story..

    ReplyDelete
  21. angeL, ang saya kO para sayu :)

    ReplyDelete
  22. Bilib ako ke Angelica. I don't know if I would react the same knowing na tinago sakin ang katotohanan for the last 24 years of my life. Nakakalokang isipin. But surprisingly, she looked at the glass half full instead of being empty. Saludo ako ke Angelica!!! Such a moving true-to-life story.

    ReplyDelete
  23. Angelica could have searched for her dad and mom if the truth was revealed earlier in herlife. Natakot din siguro ang nagampon sa kanya kung anong magiging reaction ng adoptive daughter. Pero when you enter into situations like this, dapat handa ka sa consequences. Mahirap ding itago for fear and para lang for your own satisfaction. There could have been earlier happier times between the biological parents and daughter.

    ReplyDelete
  24. Dearest Anonymous, December 7, 2010 1:31 PM,

    eh tanga ka pala eh! kung wolves ang nag raise sakin eh di hindi ako natuto magtype at maginternet. mas patok sana ang patutsada mo kung ang hinirit mo yung mejo logical noh, like baka witches nagraise sakin, o mga demonyo, mga criminal... gets mo ang train of thought ko teh? kaso hindi ganon ang hirit mo eh. kaya ang masasabi ko lang sayo, Boba ka! Boba!

    ReplyDelete
  25. Grabeh d ko mapigil ang pag-iyak...I'm so happy for her. At sana may Maalaala Mo Kaya ung story nya. Pwede din xa ang gumanap pra mas feel ng tao.

    ReplyDelete
  26. ahw!! pati ako naiyak, ngayon lang ako nagkarun ng tym magbasa tas super emo ako ngayon, hehe!! thax darla ha, super open mo talaga, kakapagod kaya magblog, peo you still share! thanx! merry christmas!! God speed! :)

    ReplyDelete
  27. Facebook (Luke Moreno)I'm the one on the black/Red-shirt bald head by the 'Xmas tree.

    Hi Miss Angelica Panganiban,
    I am very touched with your story about re-uniting with your dad.I am actually helping my Neice too, she's half american/half filipino.US Navy din father nya. 28 yrs nya ng hndi nakikita father nya, but when i google her father's name I had search something on USN Academy and it helps me got his Informations, and phone # yong tatay ng neice ko.which is good!

    But anyway I would like to ask you, if you went to US Embassy for DNA paternity test with your father. jan sa pinas? how and what are the procedures? because right now nag eemailan na silang mag ama. so yon lang ask ko if SAKALING MABASA mu to. Pls Go on my FB send me some details what the process to analyze DNA test papano umpisa gawin or what gagawin nila.

    Salamat po! God Bless Angelica.

    Luke Moreno- My Facebook

    ReplyDelete
  28. SO IT HAS PROVEN AGAIN, THAT ANOTHER BEATIFUL ACTRESS AY MAY LAHING CAUCASIAN.. MEANING TRUE BLOOD FILIPINA AY WALANG DATING....

    ReplyDelete
  29. bakit ganito,,,,karamihan ng magaganda ay may lahing banyaga, anu na ba nangyari sa gandang lahi katulad nina Gloria Diaz, Caridad Sanchez, Vilma Santos, Nora Aunor, Judy Ann Santos, Joyce Jimenez, etc,.....

    ReplyDelete
  30. I am proud of you Angelica,
    Napakabait mo. I had been watching you since napaka cute mo noong bata up to now. God has a reason for everything and I know your mom is so proud of you wherever she is right now. And as a mom hindi mahirap ipamigay ang anak but she have no choice. I am also proud of your mom, dahil hindi niya ginulo ang buhay mo kahit nakikita ka niya sa TV and I believe if she can just hug you through the TV screen she would.

    God bless you and stay humble.

    ReplyDelete
  31. nakakaiyak .. nakakamangha .. she's so real .. such a tender heart person ..

    ReplyDelete

Post a Comment